Saturday, April 7, 2007

Mula pagkabagot hanggang pagkahulog ng loob ni Coby


Grabe, ang hirap ng buhay na walang magawa kundi magkulong sa bahay at gumawa ng paraan para hindi mabaliw sa pagiging bored.

Sarado ang mga malls. Holy Week na kasi.

Habang ang karamihan ng mga tao ay nagpapakasaya sa kani-kanilang mga paglangoy at pamamasyal, ako naman ay nagtetext at nakahiga sa aking kama habang pinagmamasdan ang bughaw na kalangitan.

Nasa San Pablo ang aking mga pinsan. Walang kaibigang nagaaya sa akin na pumunta sa kung saan sapagkat idinaraos nila ang Holy Week kasama ang kanilang mga pamilya.

Bakit hindi naming ito gawin naming magkakapatid? Dahil ayaw namin. Mga katoliko kaming magkakapatid, pero hindi naming sinusunod ang tradisyon. Maaari niyo kaming tawagin na radikal at hibang, pero wala kaming pakialam. Bawal ang karne, pero kumakain kami ng pork chop, corned beef, pepperoni, at marami pang ibang uri ng karne sa aming refrigerator. Hindi nga naming alam kung ano ang mga Stations of the Cross e! Kami yung mga tipo ng taong matatawag niyong deviant.

Bored ako.

Madalas ay nasa kwarto lang ako at nagtetext at nagbabasa ng magazine. Minsan ay naglaro kami ng kapatid ko ng badminton. Pero kailangan ko ng kausap. Yung matinong kausap.

Buti nalang andyan siya.

Araw araw ay katext at kausap ko siya sa telepono. Tuwang-tuwa nga ako dahil pinapangiti niya ako. Lagi kaming naguusap ng kung anu-ano. Lagi naming pinagtatawanan ang mga bagay-bagay. Mabait siya. Sweet siya. Nakakatuwa pa. Pakiramdam ko espesyal ako dahil sa kanya. Gustong-gusto ko siya. Nahuhulog na ang loob ko sa kanya!

Sana nga… Siya na…

At ngayong patapos na ang Holy Week, maaari ko nanamang gawin ang mga kinagawian kong gawin. Magbubukas na muli ang mga malls. Hindi na ako bored. Malapit na rin kaming magkita muli. Sa Martes. Yun ang araw namin. Masaya nanaman ako. Sigurado, mag-e-enjoy kami sa Martes. Madami kaming gagawin. Isang buong araw na kaming dalawa lang ang magkasama.

Yiee!!! Nai-inlove na muli si Coby!

At ngayong patapos na ang Holy Week, mapuputol ang entry na ito sapagkat hindi pa dito nagtatapos ang aking kuwento…

No comments:

Post a Comment

A penny for your thoughts. Be kind.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...