Tuesday, July 3, 2007

Para lang sa mga taong tulad ko


Paunawa: Kung kayo po ay galit o nasusuka sa mga taong mayayabang, huwag nyo na po sanang basahin ang mga nakasulat sa blog entry na ito sapagkat baka mabwisit lang kayo. Gusto ko lang po sanang linawin na ang entry na ito ay nagpapatawa lang sa pamamagitan ng panunumbat. Alam kong marami sa atin ang nage-enjoy sa mga ganito kahit masama. Tao lang po tayo at sana huwag na kayong maglagay ng mga comment na nagsasabing, “You’re so mean, Coby…” dahil alam kong masama talaga ako. Hahahaha!

Kung kayo man ay nakatayo, nakaupo, nakahiga, nakatihaya, kumakain, dumudumi, kumakanta, at lahat na ng pwedeng magawa sa mundong ito, i-enjoy nyo nalang ito.

Sa aking mga mambabasa,

Marahil ay ipinagtataka niyo kung bakit nasa Filipino na ang aking mga inilalathala ngayon. Marahil ay nagtataka din kayo kung bakit ang isang inggliserong gwapo na tulad ko ay sumusulat sa wikang Filipino. Hindi po malayong mangyari na ang isang inggliserong habulin ng mga babae’t bakla ay mag Tagalog sa kanyang blog. Pinasasalamatan ko po ang aking pinapasukang unibersidad, dahil sa halos wala akong makausap na tao gamit ng wikang Ingles, nahahasa ang aking kakayahan sa pagtatagalog.

Dahil sa binabasa mo ito, aking mahal na tagapagsubaybay, kahit sino ka man, ikaw man ay bata o matanda, dalaga o binata, matangkad o pandak, mukhang tao o hayop ka man, tandaan mo ito: mahal kita! Opo, mahal kita.

Magsisimula ang aking kwento sa isang pook na malayo… Malayong malayo… Hindi ito natatanaw mula sa aming bahay, ngunit isang jeep ride away! Ako’y nakasakay sa FX pauwi galing UST, umuulan ng malakas, malamig sapagkat malakas ang aircon ng sasakyan, at nagiisip. Nagbalik-tanaw ako sa mga nangyari noong Sabado ng gabi nang ako’y pumunta sa Makati upang mag-Gov’t. May kasama ako noon. Ang saya! Ang saya talaga! Ang saya-saya, no??

Kami’y naguusap at sumasayaw… Ngunit sa aming pagsasaya sa pagsasayaw ay hindi ko namalayan na may mga hinayupak na umaaligid at nagbantang agawin ako from the dance floor! Halimbawa, ako ay nagsasayaw habang kahawak ang kamay ng aking kasama sa dance floor nang biglang lumapit ang isang lalaki sa aking tabi at sinubukang hawakan aking…. Opo… Hinawakan na nga nya… Hinawakan nang mahigpit… ang aking kanang kamay…Nang tinignan ko ang kanyang mukha ay nagulat ako. Hindi sya kaakit-akit sa aking mga malabo ngunit may contact lenses na mga mata! Kung naging katext ko man ang lalaking ito ay sya na siguro ang pinaka sinungaling na lalaki sa balat ng lupa kung sasabihin nyang gwapo sya sapagkat ubod sya ng pangit. Kahiya-hiya! Kung umulan man ng balde-baldeng kagandahan at kagwapuhan sa mundo, may sakit sya siguro noon at hindi sya nakakuha ni isang kusing. Agad kong hinila ang aking kamay at hinagkan ang aking ka-date para lumayo na si Cheetah, at lumayo nga sya.

At nang pauwi na ako ng umaga na iyon ay magkatext kami ng mabuti kong kaibigan na si Rafael. Nakita ko kasi yung crush nya dun at aking binrodcast kay Raf ang kanyang itsura at ginawa.

“Ang liit-liit nya. He’s below my line of sight”, ang sabi ko ke Raf.

Funny, yet mean, alam ko. Ngunit, datapwat, subalit, totoo naman ang sinabi kong iyon. Hindi sya biniyayaan ng kaunting katangkaran nang siya ay ipinanganak sa mundong ito. Marahil ay nagbubuhat pa sya ng mabibigat na bagay nung bata pa sya at napasobra ang growth gap nya. Pinayuhan ako ni Raf na gumamit ng constructive criticism. O sige, yun lang pala eh, sinabi ko ke Raf na “there’s still room for a lot of improvement” sa height ng kanyang crush. Constructive na ba? Tsk tsk tsk. Ang tangkad ko talaga. Pero kung mas matangkad ka sa akin at magkatabi tayo, ang pandak ko naman. Mahal parin kita, aking tagapagsubaybay…

At nagbalik na nga ako sa FX na sinasakyan ko, ang tila paghina ng buhos ng ulan, at ang malamig na aircon ng sasakyan. Malapit na nga pala akong bumaba. Kitang kita ko na ang Southmall. Land ho!Naisipan ko munang tignan ang aking Friendster, Downelink, at Multiply accounts para may magawa lang ako habang nandun pa ako sa mall. Naglagay ako ng mga litrato at mga videos sa Multiply account ko. Nakakatuwa talaga ang Multiply! Hindi ko inakalang maa-addict ako dito. Dati kasi wala ako nito, isa akong ignoranteng dukha, marami na ang nagsasabi sa akin na gumawa ako, ngunit lagi kong sinasabi na wala ako masyadong mga litrato. Pero nung nagkaroon ng Bluetooth ang aking telepono ay sige lang ang lagay kahit linggo-linggo na ngayon.

Nang matapos ako sa aking munting kaligayahan, naisipan ko nang umuwi sapagkat nagrereklamo na ang aking matakaw na tiyan.

“Putang ina! Umuwi ka na para makapagluto ka na dahil gutom na ako, Jacobo! Pucha, bilisan mong maglakad!” sigaw ng alaga.

*Sigh…* Sige, bibilisan kong maglakad. Nang palabas na ako ng pintuan, napahinto ako sa aking nakita. Umuulan ng pagkalakas-lakas! Hinahangin ang mga palda ng mga babaeng estudyante ng San Beda Alabang sa lakas, at sabay tili ng mga mala-pitong(whistle) lalamunan ng mga iyon. Ang lakas talaga ng ulan, lumingon ako at nakita ko ang food court ng SM. Ayun! Pagkain! Ok lang kahit gumastos ng konti, basta may makain lang. Namimili na ako ng aking pagbibilhan nang biglang maglaway ako sa mga squid balls na niluluto sa kabilang parte ng salamin ng aking napaghintuan.

“What the fuck?! Squid balls?! Oh my gosh, Coby, may pasta, pizza, and salad dun sa kabila oh! What are you, poverty?!” protesta ng aking matakaw na tiyan.

Pero gusto ko ng squid balls. Bumili ako ng squid balls, anim sila, at isa-isang kinagat, nginuya, at nilunok ang mga mala-langit na squid balls. Heaven!

Matapos kumain, nararamdaman kong humina nanaman ang ulan, and so, lumabas ako at nagsimulang tahakin ang baha sa labas ng SM. Halos mawala ang covered walkway ng SM. Grabe talaga. Wala akong payong. Tinext ko ang aking kapatid na si Maurice na nasa bahay,

“Mau, it’s raining, fetch me. I’m in SM. Hurry! I don’t have an umbrella.”

At nag reply sya, “…wait lang, maliligo lang muna ako.”

Oh my gulay, maliligo pa ang aking kapatid kung kelang umuulan sa labas. Napaka praktikal na gawain, tama yan, sige lang at ipagpatuloy mo...Dahil sa hindi ko mahihintay ang aking napakagaling na kapatid, tinahak ko na nalang ang daan pauwi. Ngunit, datapwat, subalit, hindi lang baha ang sumalubong sa akin, binati din ako ng malakas na hangin at mabigat na bagsak ng ulan. Impatient kasi ako, yun tuloy, dumaan pa ako sa basang impyernong ito bago marating ang langit na bahay ko. Wet and dirty na ako. *Oooh… *

Pagkarating ko sa bahay, naabutan kong bukas ang gate, ngunit sarado ang screen door! Shit! Ano ba yan!? *sigh…* Pero ano yung naririnig ko?! May naririnig akong kanta na nanggagaling sa aming banyo… Napakalakas naman ata ito para marinig ko sa labas.

“…umbrella… ella… ella… eh… eh… eh…”

Abay kumakanta pala ng Umbrella ni Rihanna si Maurice! Para sa inyong kaalaman, straight po aking mahal na kapatid, hindi tulad ng kuya niya na blessed. Hahaha! Ang lakas ng loob pang kumanta ng pagkalakas-lakas ni Maurice! Sa aking pagkainis, binuksan ko ang lahat ng bintana sa labas upang ipakita at iparinig sa buong sambayanan ang hubad na katotohanan ng aking kapatid. Nang lumabas siyang nakatapis ay nagulat na nagsabing,

“Oh, andyan ka na pala.. Pasara naman ng mga windows oh, hehehe”

Hesusmariahosep…Pagkapasok ko sa bahay ay kumuha ulit ako ng makakain sa cupboard. Dali-dali akong umakyat ng hagdan at tumungo sa aking kwarto habang ngumunguya ng cookie. Oh dear… Ang init. *Heavy breathing* Nag umpisa na akong mag hubad. Gusto kong tanggalin lahat na aking suot sa katawan. Tinanggal ko ang aking sapatos, medyas, at basang polo, at habang nakatayo ay ang aking hinubad nang dahan-dahan ang white undershirt, unzipped my pants at dahan-dahang binaba hanggang sa tuluyang nahulog na nga iyon sa sahig… Isa nalang ang suot ko, at alam nyo na iyon… *Heavy breathing* Oh shit… *Heavy breathing* Am I turning you on? Ngunit sa inyong disappointment ay hindi ko sya hinubad. Kumuha ako ng shorts at isinuot iyon, at kumuha na rin ako ng bagong undie dahil maliligo ako. Ngunit nasaan ang aking tuwalya?! Nawawala! Naisip kong baka nakasampay sa labas at andun na nga nang bumaba ako. Lumabas ako ng bahay na walang pantaas na suot, ang damit ko lamang ay ang maikling shorts na kinuha ko kanina sa taas. Topless. Sexy. *Heavy breathing, biting my lower lip* Ang kapal ng mukha kong mag topless sa labas ng bahay kahit hindi naman masyadong… toned, ika nga…  ang aking katawan. Alam kong ipinagbabawal na ang pagto-topless sa kalsada, ngunit wala akong pakialam sapagkat hindi pa naman ako lumalabas ng gate namin. At wala rin akong pakialam kung may makakita sa akin sapagkat wala rin naman kaming kapitbahay na natitipuhan ko dahil wala sa kanila ang may kaakit-akit na mukha at istraktura ng pangangatawan na maganda. Mga poverty sila. Haha!

At nang makapasok ako sa banyo ay dun ko na tinanggal ang lahat… *grins*

At dun ko na rin naisipan na gawin itong blog entry na ito. Wholesome pa naman, kahit papaano. Hahaha!

Sa aking mga minamahal na tagaopagsubaybay,

Sana ay nagustuhan nyo ang mga pagmamayabang ko dito. Inspired lang talaga ako. Hindi po talaga ako ganito kayabang, pero critical ako. Mayabang lang ako pag may ipagmamayabang sa madla. Kadalasan ay mabait ako. Alam nyo yun, friendly, warm, cuddly, hindi po ako nangangagat in public… hahaha!

Alam ko rin po na hindi pa masyadong kaaya-aya ang aking Tagalog, pagpasensyahan nyo na po. Natututo palang ako. Pero sakaling mabigyan tayo ng pagkakataon na makapagusap at makahalubilo, ibang iba po ako sapagat Inglisero ako in person. Pero, marunong din po akong mag-Tagalog, kung gusto nyo ng may accent pa eh why not?! Hahaha!

Thank you, bestfriend, you inspired me, Bish! Sabi ko sayo eh... Hahaha! Love you, bestfriend!

At dito na muna po magtatapos ang aking maikling kwentong punong puno ng kayabangan at kasakiman. Sa susunod, iba naman ang theme. Promise! Hahaha!

Tandaan nyo, mahal ko kayo, dahil itinuturing ko kayong kaibigan, dahil sa binasa nyo ito. Salamat!

Oh siya, lumayas ka na sa page ko.. Hoy! Bago ka pala lumayas, mga dong at inday, mag iwan ka muna ng comment. Sasapakin ko yang mukha mo pag hindi ka mag comment ha?! Ano!?

(Aggressive na… hehehe…. Peace, people! Mwah! Kisses for everyone!)

No comments:

Post a Comment

A penny for your thoughts. Be kind.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...