Wednesday, June 27, 2007

Napagiiwanan... argh...


12nn... Nakaupo ako sa isang bench sa Plaza Mayor ng UST habang hinihintay ang aking kapatid. Pupunta kasi kami sa accounting office para mag bayad ng natitirang tuition nya... Actually 11 ng umaga natapos ang huling klase ko, kumain muna ako at naginternet... So andun na nga ako sa Plaza Mayor at naghihintay.

May mga freshmen na nakiupo sa bench ko, at sila ay nagkukwentuhan... Pinaguusapan nila ang kanilang mga PE subjects. 3 sa kanila ang nag-ayang magbihis sa restroom sa ikalawang palapag ng carpark. Nanghihingi sila ng 5 piso sa kanilang mga kasama. Hindi nila alam na libre sa mga restrooms ang mga estudyante ng UST, at dahil sa mabait akong tao, sinabi ko sa kanila na pwede sila mag bihis sa mga shower rooms sa likod ng grandstand. Abay ang tatanga ng mga freshman na ito dahil sabay tanong nila sa akin,"Saan po ang grandstand, kuya?" Hindi nila makita ang nagiisang istraktura na nakatayo sa gilid ng field. At dahil sa mabait akong tao, itinuro ko sa kanila kung nasaan yun (Kitang kita mula sa Plaza Mayor ang grandstand). Nagpasalamat sila sa akin. Yung isang kasama nila, cute... hehe...

At muli akong tumingin sa relo ng aking telepono ng ika-nth na beses... Tinext ko na si Maurice, kapatid ko... "Where are you?" Shit! Parang ka-date, noh? hahaha! So, dumating na nga kapatid ko at sinabing may mga inasikaso muna sya. Ok, tumungo na kami sa accounting office at nakitang sarado pa pala iyon. Nakakain na ako, si Mau ay hindi pa. Sinabi kong kumain muna sya sa carpark at itetext ko sya kapag magbubukas na. Umalis na sya.

Bumalik ang aking kapatid mga 5 minuto bago magbukas ang accounting office at napansin kong may kasama syang lalaki na biniyiyaan (blessed... Sorry, I dont know the correct spelling in Tagalog) ng katangkaran. Pinakilala sa akin ni Mau ang kanyang kasama. Kaklase pala nya. Nakalimutan ko na yung pangalan, pero cute sya. (landi ko na ba?)

Tinanong ko ang kanyang edad at nagulat ako sa kanyang sagot. "17 po" Oh my God... 17 na sya at 6-footer na! Samantalang ako, 18 palang 5'10 lang! Shit! Napagiiwanan na ata ako ng aking henerasyon... Shit! Nagmumukha akong pandak sa kanya. Compare mo naman ang 5'10 sa 6 diba? Ang liit-liit ko na palang tao... Damn!

And so, natapos na rin magbayad ang aking kapatid at ako'y umuwi mag-isa sapagkat may PE pa sya. Yun lang naman... Yun palang... May mga susunod pa... Chill...

Paunawa: Wala po akong pinariringgan o pinapatamaan sa mga iniligay ko dito. Kung kayo ay nasaktan, paumanhin nalang po. Pandak talaga tingin ko sa sarili ko kapag may kasama o katabi akong mas matangkad kaysa sa akin...

(Is "paunawa" the right word ?) Geez....

No comments:

Post a Comment

A penny for your thoughts. Be kind.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...